Una kong nalaman na magiging pelikula ang Once a Princess noong February 2014. Napa-wow ako nun! Sobrang na excite ako both for PHR at kay Miss Angel. It was something big. Kaya naman agad akong bumili ng librong iyon ni Miss Angel Bautista na naging number one PHR book noong 2012.
When I read the book, I was shocked, hurt then baffled. Nag-expect kasi ako. Andami ko kasing nabasang reviews tungkol sa nasabing libro na sobrang magaganda, iyong tipong well-written, pinag-isipan, "best book ever" at kung anu-ano pa kaya naman nang mabasa ko ang first three chapters, I was like, "Eto na yun?" I have read better books than this. Tapos eto ang naging number one? Nahabag ako sa mga librong nailathala din ng PHR noong 2012. Those books were a LOT better.
No offense meant, pero hindi ako nagkaroon ng enough reason na ipagpatuloy ang pagbabasa. Na bore ako, halos narrations kasi lahat. Kaya parang ini-scan ko nalang hanggang sa ending. Wala talaga akong naramdaman, well, may konting lungkot siguro sa bandang ending but thats it. Ang konti kasi ng interaction ng hero at heroine. At halos walang nakakakilig na eksena. Or maybe, hindi lang talaga ako maka-relate.
After reading/scanning the book, ang excitement ko for the movie, nabawasan, hindi lang pala nabawasan kundi nalaglag sa zero. Idagdag pang hindi ko talaga ramdam na appropriate sina Erich at Enchong para maging lead casts.
And then the trailer came. Napakunot ang noo ko. Iniba ang story, binigyan ng dramatic twist at parang nawala na talaga yung romance.
And the movie. Kung na disappoint ako sa book at sa trailer, sobra-sobrang lungkot at pagkawasak ng puso ang naramdaman ko sa movie.
![]() |
Credits to THEULTIMATEFANGIRL for the photo collage. |
Acting-wise, parang si Erich lang ang pumasa sa akin. Si Enchong at JC, parang okay lang. Nag shine lang yata ang dalawang lalaki sa suntukan scene.
Napaangat ang kilay ko sa supposedly ay kalahating pilay na si JC dahil sa motorbike accident. Like, if he is scheduled for surgery, how can he walk effortlessly? Ni hindi nga niya nagamit ang saklay appropriately. At nagawa pa niyang makipagsuntukan kay Enchong ha? Ni hindi nga siya natumba until the latter part of the fight scene.
Tapos ang love scene ni JC at Erich sa sala. Naka-sapatos pa talaga si Erich ha, at may suot pang tube sa loob. At wala na bang mas magandang lugar? Sana doon nalang sila sa banyo nung tinutulungan ni Erich si JC na maligo. That would have been hotter.
Unrealistic talaga yung ibang scenes. Kagaya ng scene na tinuro ni Lennard (Enchong) ang north star. Duh, halos hindi pa nga lumubog ang araw tapos may lumitaw na north star? And then the cafeteria scene nung dumaan ang motorsiklo ni Damian (JC) at sinabi sinabi ni Erin (Erich) na "This should teach me a lesson never to trust someone like me again." Di ba sa international school sila, tapos ganoon ang cafeteria, worse, ganoon ang basketball court? Kawayan iyong paligid at parang tambay iyong mga naglalaro? At ang bahay nina Erin, hindi manlang napanindigan iyong pagiging magara. Front lawn palang ni hindi nga mai-landscape. Sobrang layo sa description sa book. Apparently, kulang sa budget ang movie. Parang tinapos nalang for the sake na matapos na.
What made me cringe was the english dialogues. Hindi talaga nagawang lumabas na romantic o nakakakilig. Parang ang awkward ng pagka-deliver ng lines. Sana tinagalog nalang nila!
Ang daming discrepancies sa movie, ang bilis ng pacing, walang character development at ni hindi na establish ang pagmamahal ng mga bida sa isa't-isa.
I felt really bad. Parang pinabayaan ng producer iyong movie. Parang nabalewala dahil mas inuna yung ibang movie na mga bigatin ang bida. Sana nag stick nalang sila sa libro, o nag invest nalang sila sa nakakakilig na mga eksena. Sana binigyan ng justice ang salitang princess at ang fairytale-like aura ng title. Sana iba nalang iyong cast. Iyong tipong pagtingin mo palang kay Lennard, kikiligin ka na at mamahalin mo na siya. O sana dinamihan nalang nila ang abs exposure ni Enchong at JC,ikinatuwa pa sana ng mga fans nila. At sana di nalang ginawang sobrang pathetic ni Damian. Sana nagkaroon din siya ng katangiang mamahalin mo. Para naman may point iyong pag-aagawan.
Andaming sana.
Promise, nasayang ang pera ko. Pinambili ko nalang sana ng burger, nabusog pa ako.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento